Siguro wala nang naglalaro neto ngayon, pero ako nilalaro ko pa din siya, pampalipas ng oras o kaya habang nag-iintay bumilis yung internet connection namin.
Paano nga ba nilalaro to?
Meron itong tatlong levels: Beginner, Intermediate at Expert mode. Isama na natin yung Custom kung saan pwede mo ilagay kung ilan yung boxes at mga bomba.
You play by clicking a box, at kung pinalad ka, hindi siya sasabog. haha. Kapag sure ka na merong bomba sa isang box, right-click ka lang para lagyan yun ng flag. Yung mga numbers na lumalabas, ibig sabihin nun ay ganun kadaming bomba ang katabi niya (horizontal, vertical, and slant). For example 1, ibig sabihin may isa lang siyang katabing bomba, kung 2: dalawa, and so forth. It's a game of logic.
I've done a bit of research about it and natuklasan ko na may website pala na dedicated to minesweeper: http://www.minesweeper.info . Diyan nakalagay yung mga history ng world records, strategies, and meron pang forum!
Watch the current world record video, si Kamil Muranski
Napakahusay neto, ang best time ko sa Expert mode is 191 seconds.
:D
No comments:
Post a Comment